AHLUS SUNNAH WAL JAMA’AH IN THE PHILIPPINES


Published by


Ang Mga Muslim sa Pilipinas mula nung 12th Century ay Ahlus Sunnah Wal Jama’ah

Ash’ari sa Aqeeda, Shafi’i sa Fiqh,

May Respeto sa Tasawwuf at mga Tariqa,

Ang iilan ay mag aaral ng Tasawwuf/Sufism,

at nangangalaga ng Ilmuh Kamaasan

Ang mga naging Sultan sa Mindanao, Sultan sa Sulu, mga Descendant ng Propeta Muhammad صَلَى اْللّٰهُ عَلَيْه وَسَلَم ay Ahlus Sunnah Wal Jama’ah

Ang Ansarul Islam na nagtaguyod sa Karapatan ng Bangsamoro ay Ahlus Sunnah Wal Jama’ah

PAGKAKAISA NG MGA ULAMA NG ZAMBASULTA SA IILANG MGA BAGAY-BAGAY NA PINAG IIKHTILAFAN (HINDI PINAGSANGAYUNAN)

March 19 2023

Isang malaking Nihmat (biyaya) na galing sa Allah ang isa sa mga naganap na ito bago pumasok ang Ramadhan sa taong 1444H/2023C nagkaroon ng pagpupulong ang mga Ulama sa iba’t-ibang panig ng lalawigan ng ZamBaSulTa (Zamboanga peninsula, Basilan, Sulu & Tawi-tawi) na pinangungunahan ng Grand Mufti ng Region 9 & Palawan si Al-Ustadz Sheikh Abdulbaki Abubakar (pangalagaan nawa siya ng Allah) at sa tulong at pagtataguyod ng kaniyang katas-taasan ng Gobernador ng Sulu, Hon. Abdusakur m. Tan, Alhajj, Alhamdulillah, nairaos ang Ika-2nd ULAMA SUMMIT 1444–2023.

Ang isa sa mga Pangunahing Layunin ng pagpupulong na ito ay ang pagkakaisa at pagkakasundo sa mga aspeto na hindi pinagkakasunduan ng mga bawat Madzhab, iba’t-ibang panig ng mga Ulama na nagmumula sa iba’t-ibang Madrasas, Organisayon sa nasabing mga lalawigan.

Ang tema :

“In Paghambuuk Kusug” (Ang Pagkakaisa ay Lakas).

Dahil sa ilang taon na naging sanhi ng pagkawatak-watak, pagtatalo, bangayan sa mga ordinaryong mamamayan lalo ditto sa atin na mga Moros patungkol sa iba’t-ibang katuruan na hindi napagsasangayunan ng mga panig.

Alhamdulillah, sa tulong ng Allah at Kaniyang tawfiq binigyan ng kapasyahan ang mga Ulama natin na mas piliin ang pagkakaisa sa mga napagkakaisahan, at magbigay ng excuses sa mga iilang hindi napagkakasunduan.

Narito ang ilan sa mga napagkaisahan :

*Sunnah sa Madzhab Shafi’i kapag itayo ang Salah sa mga oras ng Maghrib, Isha, at Subh na palakasin ang pagbibigkas ng “Basmalah” (BismiLlahir Rahmanir Rahim) ng Surah Al-Fatihah & mga Ayat ng Banal na Quran, at sa ibang Madzhab ay hindi Sunnah.

*Sunnah sa Madzhab Shafi’i ang pagku-Qunoot sa Salatul Fajr.

Sunnah rin sa lahat ng Madzhab kung mayroon kadahilanan tulad ng sakuna o kalamidad sa bayan.

*Mas mainam ang bigkasin ang “ USALLI” sa Salah ayon sa Madzhab Shafi’i, sa Madzhab naman na iba ay kahit hindi bigkasin, ang pinaka Wajib sa lahat ng Madzhab ang pagbigkas ng “Allahu Akbar” (takbiratul ihram), at dyan isabay ang intensyon ng pag salah .

*Kaaya-aya sa Madzhab Shafi’i ang Pag-Ziker at Pagdua sa pagkatapos ng Salah at nakasanayan na ang pagdudua na nakaangat ang Kamay, yan ay ayon sa lahat ng Madzhab.

*Pag Salawat : Ito ay Ibadat sa lahat ng Oras, ito ay walang pagtatalo, ang Sabi ng iba ito ay bid’ah kung siya ay gawing Iqamah sap ag sasalah ng Tarawe sa Ramadhan, sapagkat walang Iqamah at Adhan sa pagsalah ng Sunnah, subalit kung hindi naman gagawin Iqamah yan ay Ibadah hindi yan Bid’ah.

*Pag MAWLUD (Pagdiriwang ng Mawlidun Nabi) : Ang ibig sabihin sa panahon natin na ito ay ang pag babanggit,at pagpapaalala ng mga Muslimeen sa kapanganakan ng Mahal na Propeta (SallAllahu alayhi wasallam) na siyang pinadala ng Allah (subhanaHu wa ta’ala) magpahiwatig sa buong mundo ng Shariah Niya na siyang nakasulat sa loob ng Banal na Quran.

يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَتْكُم مَّوْعِظَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ وَشِفَاءٌ لِّمَا فِي الصُّدُورِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ (57)

قُلْ بِفَضْلِ اللَّهِ وَبِرَحْمَتِهِ فَبِذَٰلِكَ فَلْيَفْرَحُوا هُوَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ (58)

*Pag diriwang ng ISRA WAL MIRAJ : Ang paglalakbay sa gabi ng Mahal na Propeta Muhammad (sallAllahu alayhi wasallam) mula sa Masjid Haram sa Makkah tungo sa Masjidil Aqsa sa Jerusalim, at pagpa akyat sa kanya patungo sa taas ng langit hanggang sa dulo, yan ay nabanggit sa loob ng Quran sa umpisa ng Surah Isra at Surah AnNajm ang Isra RasuluLlah (sallAllahu alayhi wasallam) ang nagbanggit, subalit ang tungkol naman sa Mi’raj ay Banal na Quran ang nagtala nito, Ito ay dinaraos ng mga Muslimeen bilang pagpapaalala sa napaka dakilang kaganapan sa panahon na ito. Ito ay walang pag pagtatalo sa mga Ulama sapagkat ito naman ay isa sa mga Maaaring gawin . End .

Ang pagkakaisa na ito ay alhamdulillah naisakatuparan ng mga Ulama natin na nagmumula sa mga lalawigan na ito, mapa sa kinabibilangan man ng Madzhab Shafii sa pilipinas o Ashaerah sa Aqeedah, at mapa ibang Madzhab (Hanbali, Hanafi, Maliki) at Salafism.

Tulad ng nasa Tema ay nasa Pagkakaisa parin ang Lakas at Puwersa ng mga Muslimeen, kaya ito ang nararapat na ipahiwatig at ipalaganap.

Magkaisa sa anu man ang pinag kasunduan pinagkaisahan, at anuman ang mga aral na hindi pinagkasunduan ay isintabi at itoy bigyan ng kapasensyahan at unawa .

Ito ay napaka gandang Biyaya na ipinagkaloob ng Allah bago pa man pumasok ang Ramadhan sa mga Muslim sa atin sa Pinas lalo na sa aming mahal na bayan Moro Land.

Nawa ay sa mga susunod din na pagkakataon ay makita na rin natin ang iba pang mga Moros na sa ibang lalawigan ng Moro Land at pinaka mainam ito ay mainplement na sa buong Pilipinas. Ameen

-Shaykh Abu Daniyal Asakil Ajidulla